Balita

Manila Bay Run, bukas pa sa runners

-

MAY palugit pa hanggang Biyernes ( Hulyo 13) ang pagtanggap ng lahok sa 2018 Manila Bay Clean-Up Run.

Ang karerang nag-aambag sa proyektong maibsan ang basura at linisin ang karagatan at maliliit na esterong dumadaloy rito ay bukas para sa lahat ng interesado­ng tumakbo sa 3K, 5k, 10K, at 21k dibisyon na panlalaki at pambabae. Gaganapin ito sa Linggo (Hulyo 15).

Maaring magpalista sa MBC lobby, Sotto St., CCP Complex, Pasay City o kaya sa mga outlet ng Olympic Village sa Festival Mall, Robinsons Forum at Gateway Mall.

Para sa karagdagan­g kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run, tumawag sa Runners Link sa tel. blg. 0926205-2787.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines