Balita

PhilHealth benefits para sa lahat, prioridad

- Ni GENALYN D. KABILING

Tinatakan ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent bill ang panukalang nagkakaloo­b ng universal healthcare sa mga Pilipino upang matiyak ang mabilis na pagpasa dito ng Kongreso.

Sa mahabang Cabinet meeting nitong Lunes, isinulong ng Pangulo ang pag-aapruba sa hakbang na naglalayon­g sakupin ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang lahat ng Pilipino para makapag-avail ng healthcare benefits.

“I am pleased to announce that our Universal Health Care Bill which we sponsored, defended and passed in the House of Representa­tives was certified as urgent in tonight’s cabinet meeting!” tweet ni Roque nitong Lunes ng gabi.

Ipinasa ng House of Representa­tives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang bersiyon nito ng universal healthcare bill noong Setyembre. Samantala, hindi pa naipapasa ng Senado ang bersiyon nito.

Ang urgent certificat­ion mula sa Pangulo ay nagpapahin­tulot sa mga mambabatas na ipasa ang batas sa second, third at final reading sa parehong araw.

Sa panukala ng Kamara, ang bawat Pilipino ay mayroong karapatan na makinabang sa National Health Security Program, kabilang ang inpatient, outpatient, at emergency care services na sinasakop ang preventive, promotive, curative, rehabilita­tive, at palliative medical, dental, at mental health services.

Nilalayon ng panukala na i-reconstitu­te ang PhilHealth at gawing Philippine Health Security Corporatio­n (PHSC) habang ang National Health Insurance Fund ay papalitan ng pangalan at gagawing National Health Security Fund.

Sa tala nitong 2016, tinatayang 93 milyong Pilipino ang sakop ng PhilHealth.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines