Balita

Police scalawags, walang kinalaman sa pagpatay sa local execs

- Aaron Recuenco

Sa ngayon ay wala pang indikasyon na may pulis na sangkot sa pagpatay sa mga lokal na opisyal, lalo na sa mga sangkot sa illegal drug trade, sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na sinisilip nila ang naturang posibilida­d sa gitna ng espekulasy­on na isang well-trained marksman ang pumatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili nitong Hulyo 2.

“As of this time, there is no indication but are looking into that. We have our own counter-intelligen­ce watch list but this is also being validated,” pahayag ni Albayalde.

Gayunman, inamin ng opisyal na base sa kanilang mga nagdaang operasyon, may ilang sinibak o dating pulis na naging mamamatay tao o contact para sa gun-for-hire activities.

Sa pagpatay kay Halili habang nagsasagaw­a ng flag-raising ceremony ay lumutang ang usap-usapan na posibleng pulis o sundalo ang suspek dahil sa istilo ng pamamaslan­g.

Napatay si Halili sa isang tama ng bala sa puso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines