17 batang kalye sa viral video, sinagip

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN

Hawak na ng city social welfare office ang isang grupo ng mga bata na nag-viral sa video dahil sa panggugulo at pananakit sa ilang pasahero ng isang jeep na bumibiyahe sa Macapagal Boulevard sa Pasay City.

Kinumpirma nitong Huwebes ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga bata ay pansamantalang tumutuloy sa Pasay City Social Welfare and Development Office.

Sa report ng DSWD-National Capital Region na nag-validate sa kaso, pinamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsagip sa 17 batang kalye na sangkot sa insidente, nitong Huwebes.

Ang mga bata ay pinagkalooban na ng basic services at patuloy na sumasailalim sa case management at assessment sa Pasay City Youth Home, ayon sa ilang DSWD social workers.

Bukod sa pagsagip sa mga bata, sinabi ni DSWD Secretary Virginia Orogo na inaalam na ng social workers ang kakayahan ng kani-kanilang magulang na sila ay alagaan.

"We received reports that the parents had already been contacted by social workers. Our next step is to determine their capability to take care of their children or if they need counseling or other appropriate interventions," paliwanag ni Orogo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.