Nagbaon ng R40-M shabu, inaalam

Balita - - Pangunahing Pahina - Jun Fabon

Hinihinalang bigating sindikato ng ilegal na droga ang nasa likod ng P40 milyong halaga ng shabu, na nahukay sa ginagawang drainage sa Barangay Fairview sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Agad na pinaimbestigahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang 10 pakete ng shabu, may timbang na anim na kilo, na nakuha sa Dancs Refrigator Repair Service sa Geneva Garden Subdivision, sa Commonwealth Avenue, corner Flourdelis Street sa Bgy. North Fairview.

Sa ulat ni Police Supt. Benjamin Gabriel, hepe ng Fairview Police Station 5, nakatanggap ng ulat ang himpilan mula kay Barangay Captain Manuel Chua ng North Fairview, Quezon City hinggil sa pagkakatuklas sa pake-paketeng droga, pasado 11:00 ng umaga kamakalawa.

Ayon kay Chua, kinukumpuni ng mga obrero ang drainage sa tapat ng naturang refrigerator repair shop nang tumambad ang mga droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.