Carolinas inilubog ng Hurricane Florence

Balita - - Balita -

WILMINGTON, N.C. (Reuters) – Pinabaha ng outer bands ng Hurricane Florence ang Carolinas nitong Huwebes, pinaapaw ang mga ilog at ibinuwal ang mga poste ng kuryente sa malagim na senyales ng pinsalang ihahatid ng bagyo sa lubusang pagtama nito sa Biyernes (Sabado sa Manila) na maaapektuhan ang milyun-milyong katao.

Nanatiling mapanganib at unpredictable ang Florence, kahit na bumaba na ito sa Category 2 bagyo sa fivestep Saffir-Simpson scale, sinabi ng National Hurricane Center (NHC) said.

Tinatayang hahagupit ito sa tanghali ng Biyernes, nakasentro sa Cape Fear, North Carolina, dala ang aabot sa 40 inches (1 metro) ng ulan, at storm surges na hanggang 13 feet (4 metro), ang taas, ayon sa NHC.

Sinabi ni North Carolina Governor Roy Cooper sa news conference, na ang “historic storm” ay magpapakawala ng malakas na ulan at magdudulot ng mga pagbaha na ilulubog ang buong estado.

Mararanasan ng North Carolina ang pagbuhos ng hanggang walong buwang dami ng ulan sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong araw, ayon kay National Weather Service forecaster Brandon Locklear sa video briefing.

May 88,000 katao na ang nawalan ng kuryente sa North Carolina kahit hindi pa lubusang tumatama ang bagyo. Milyunmilyong katao ang inaasahang mawawalan ng kuryente dahil sa bagyo at aabutin ng ilang linggo bago ito maibalik.

Nitong Huwebes ng gabi, ang sentro ng bagyo ay nasa 145 miles (235 km) silangan ng Myrtle Beach, South Carolina.

Halos 10 milyong katao ang nasa daraanan ng bagyo at mahigit 1 milyon ang pinalikas sa mga baybayin ng Carolinas at Virginia.

Nagdeklara na ng emergency ang Georgia, South at North Carolina, Virginia, Maryland at ang District of Columbia.

BINABAHA ang Union Point Park ng tubig na umaapaw mula sa Neuse at Trent Rivers sa New Bern, North Carolina, sa simula ang pananalasa ng Hurricane Florence, nitong Huwebes. AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.