Truck vs bike, 1 tigok

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Patay ang isang nagbibisikleta habang malubhang nasugatan ang angkas nito nang salpukin ng truck ang sinasakyan nilang bisikleta sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot si Jessie De Castro, 14, na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at ulo habang inoobserbahan naman sa ospital si Jerald Feliciano, 13, na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Samantala, nasa kustodiya ng Parañaque City Police ang suspek na si Florentino Cabalida, Jr., 45, driver ng truck (UWC677).

Sa inisyal na ulat, naganap ang salpukan sa kahabaan ng Ninoy Aquino Avenue sa tapat ng Airforce 1, Barangay San Dionisio, sa Parañaque City, bandang 1:00 ng hapon.

Sakay sa bisikleta, tinatahak ng mga biktima ang nasabing lugar nang salpukin sila ng truck, na nawalan umano ng control, na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima at tuluyang nasawi si De Castro.

Agad namang sumuko si Cabalida sa awtoridad matapos ang insidente at sasampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Serious Physical Injury with Damage to Property.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.