‘Madulas’ na tulak, nalambat

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Matapos ang ilang pagtatangkang pag-aresto sa mga buy-bust operations, napasakamay na ng awtoridad ang isang babaeng tulak ng ilegal na droga sa San Juan City, iniulat kahapon.

Sa report ni San Juan Police chief, Police Senior Supt. Dindo Reyes kay Eastern Police District (EPD) director, Police Senior Supt. Bernabe Balba, kinilala ang suspek na si Fatima B. Diwan, alyas Madam, 33, ng 20 –W, Road 11, 1st West Crame, Barangay West Crame, San Juan City.

Naaresto ang suspek sa buybust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), na pinamumunuan ni Police Senior Insp. Edwin Malabanan, sa 1st West Crame, dakong 7:30 ng gabi kamakalawa.

Nabatid na noong 2010 pa nagsimulang mag-operate ng illegal drug trade ang suspek, at naging pangunahing target ng San Juan police sa buybust operations ngunit bigong maaresto.

Kasalukuyang nakakulong si Diwan sa San Juan Police at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.