Ex-aide ni Peter Co, inambush PASAWAY

Balita - - Balita - Fer Taboy

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang umano’y dating driver ng convicted druglord na si Peter Co, matapos na tambangan habang patungo sa pagdinig sa kinakaharap na kaso sa Batangas City, Batangas, kamakailan. Dead on the spot ang biktimang kinilala ng awtoridad na si Ervis Areglo.

Sa ulat ng Batangas City police, patungo si Areglo sa korte sa nabanggit na lungsod, kasama ang mga escort nitong jailguard ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga lalaki.

Si Areglo ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trade, ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon Police Regional Office 4A.

Matatandaang naaresto si Areglo, kasama ang dalawang iba pa, nang masabat sa kanila ang malaking halaga ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu sa Lipa City noong 2006.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.