‘Sparrow unit’ ng NPA, tiklo

Balita - - Balita - Fer Taboy

Nasakote ang umano’y miyembro ng hit squad ng New People’s Army (NPA) matapos masabat sa kanya ang isang sakong pampasabog sa Davao City, kamakailan.

Nahaharap sa kasong illegal possession of explosives si Benjamin Kiamco, Jr., 38, na dinakma sa Lopez Jaena Street sa naturang lungsod.

Inaresto ng mga tauhan ng Davao City police ang suspek habang nakatayo ito sa gilid ng gusali ng Department of Social Welfare anf Development (DSWD), bitbit ang isang sako na puno ng iba’t ibang uri ng pampasabog, ayon kay Davao City police chief, Senior Superintendent Alexander Tagum.

Narekober mula kay Kiamco ang 20 mahaba at bagong 5.56 magazines at mga 40mm high explosive (M203) na mga bala.

“Daldalhin niya ang mga ito sa kanyang mga kasamahan dahil sa marami na ang nag-surrender at wala na masyado silang kagamitan, i-distribute ito sa iba’t ibang grupo nila sa Davao Region,” sabi ni Tagum.

Natukoy ng pulisya na kaanib si Kiamco ng Southern Mindanao Regional Command, na nag-ooperate sa Davao region.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa RA10591 (Illegal Possession of Firearms, Ammunitions and Explosives).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.