Zanjoe, okay maging BF— Angelica

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni REGGEE BONOAN

HINDI malaman ng entertainment media/ bloggers/online writers kung seryoso si Angelica Panganiban sa mga pinagsasagot niya sa nakaraang Playhouse media play day tungkol kay Zanjoe Marudo, na first time niyang ka-love team na inili-link na sa kanya.

Ang general question ay kumusta si Zanjoe bilang leading man.

“Masaya! Magaan siyang katrabaho. Hindi naman siya nalelate (sa set). At magaling naman siyang artista,” natatawang sagot ni Angelica.

Nagkasama na sina Angelica at Zanjoe sa ibang projects pero hindi as partner kaya more or less ay nasa sampung taon na silang magkakilala. Sa madaling salita, ganito na niya katagal kakilala ang aktor at pati kilos at mga sinasabi nito ay kapado na ng dalaga.

“Hindi pa rin siguro ganun kabasang-basa. Pero siyempre alam ko na kapag hindi niya gusto ‘yung mga nangyari, ‘yung sitwasyon, ayaw niya ‘yung lugar, hindi siya kumportable, sa mga ganu’n, siguro kilala na namin ‘yung isa’t isa,” kaswal na paliwanag ng dalaga.

Parehong walang karelasyon sina Zanjoe at Angelica ngayon, kaya kung sakaling magparamdam ang aktor ay posibleng i-entertain ng aktres.

“Kung sakali? Diyos ko naman, grabe! Parang ang choosy ko naman. Oo naman ie-entertain ko siya kung gugustuhin niya ako, kung napretty-han na siya sa akin,”pacute na sabi ni Angel.

Boyfriend material ba si Zanjoe para kay Angelica?

“Ang awkward, eh. Kasi nakita ko siya sa lahat ng mga naging girlfriends niya. Kaibigan ko ‘yung mga ex niya, kaya alam ko siya bilang isang boyfriend.

“Siguro masasabi ko na malambing siya, maasikaso. Talagang hindi ko naman siya nakitaan na parang nag-cheat siya sa naging partner niya,” papuri ng aktres sa aktor.

At dahil kaibigan nga ng aktres ang mga exes ni Zanjoe, tulad nina Mariel Rodriguez-Padilla at Bea Alonzo, at kung sakaling maging sila, pabor kaya ang mga ito sa kanya para sa aktor. ‘Siguro naman,” tugon ng dalaga.

Naikuwento rin ni Angelica na parati silang nire-remind ng

Playhouse production staff na mag-jowa sila ni Zanjoe sa serye dahil baka raw makalimot sila na kailangang palabasing in love sila sa isa’t isa.

Sobrang close raw kasi ng dalawang bida kaya wala silang ginawa kundi magtawanan at magbiruan, at ibinahagi rin ng aktres ang mga nadiskubre niya sa aktor.

“Napansin ko na talagang ang amo pala ng mukha niya,” sabi ni Angel. “Kapag nauuna nga siyang umalis o na-pack up, talagang nalulungkot ako so feeling ko,

happiness ko siya. ‘Yun ang nadiscover ko lang kasi nagagalingan ako sa kanya.

“Ako kasi sa talent nahuhumaling, eh. Ang galing, kahit nagkamali siya, good take pa rin. Ang galing talaga. Marami akong natutunan at maia-apply ko ‘yun baka sakaling ma-nominate rin ako sa Emmys (2017 best actor nominee si Zanjoe sa Maalaala Mo

Kaya),” tumatawang kuwento ng

aktres.

Speechless si Z (tawag kay Zanjoe), sabay sabi kay Angelica: “Tara, tayong dalawa na lang,” aniya, at hinawakan ang kamay ng aktres.

Nagkahiyawan ang lahat, at sumagot si Angelica: “’Pag ito sineryoso ko.”

“Ang na-discover ko sa kanya (Angelica), malambing pala talaga siya at mabait sa mga bata. Dati kasi akala ko sa mga aso, pusa at halaman lang hilig niya. Kumbaga perfect wife siya,” sabi naman ni Zanjoe.

Kilig na kilig naman si Angelica sa narinig, kaya nang tanungin siya kung maaari kayang magkadebelopan sila ni Zanjoe, sumagot siya: “Maaari talaga.”

“Walang imposible,” singit naman ni Zanjoe.

Anyway, para mas kiligin pa kina Zanjoe at Angelica, panoorin ang Playhouse sa Lunes, Setyembre 17, bago mag It’s Showtime, mula sa GMO unit.

Angelica at Zanjoe

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.