Hinaing ng bayan, hindi tinugunan

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Nababahala ang isang church group sa kawalan ng tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hinaing ng mahihirap sa one-on-one interview nito kasama si Chief Presidential Counsel Salvador Panelo sa Malacañang kamakailan.

Puna ni Promotion of Church Peoples Response (PCPR) Spokesperson Nardy Sabino, hindi tinalakay ng Pangulo ang mga hinaing ng bayan partikular ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, mababang sahod ng manggagawa, at drug related killings.

“Wala siyang tinalakay sa mga inihahain sa kanya ng bayan, yung pagtaas ng presyo ng bilihin, o yung kakulangan sa sahod, sa serbisyo ng mamamayang Pilipino,” ani Sabino, sa panayam ng Radyo Veritas.

“Hindi niya sinagot yung reklamo ng maraming nanay at kapamilyang nawalan ng mga Anak, ng Ama at Ina, wala siyang sinagot tungkol sa hinaing ng mga mahihirap,” diin niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.