Ibang tourist spots ayusin din

Balita - - Balita - Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senador Sonny Angara sa Department of Tourism (DoT) na palawigin pa ang pagsasaayos sa tourists spots, hindi lamang sa isla ng Boracay.

Ayon kay Angara, isa lamang ang Boracay sa napakaraming lugar sa bansa na puwedeng dayuhin ng mga turista. At kung dadami ang lugar pasyalan, tiyak na lalampas sa 7.4M turista ang dadagsa sa bansa ngayong 2018.

“While Boracay is still undergoing rehabilitation, this is an opportune time to help bring our other tourist spots, especially in poorer areas, to international recognition. Malaking tulong ang paglago ng turismo sa paglikha ng trabaho at kabuhayan lalo na para sa mga lokal,” ani Anggara.

Tinukoy ni Angara na ang unang dapat ayusin ay ang mga paliparan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.