Ika-500 taon ng pagdating ni Magellan

Balita - - Balita - Bert De Guzman

Pinagtibay ng Kamara ang House Resolution 2055, na humihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na pulungin ang regional at national stakeholders para sa paghahanda sa paggunita sa ika-500 taong pagdaong ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Pilipinas noong Marso 16, 1521.

Layunin ng resolusyon, inakda ni Rep. Lucy Torres-Gomez (4th District, Leyte), na bigyang-diin ang kahalagahan ng isang importanteng pangyayari sa kasaysayan ng bansa, at maitatak sa mga Pilipino ang pagiging makabayan.

Kinikilala ng resolusyon na ang pagdating ni Magellan sa Eastern Samar ay pasimula ng makasaysayang panahon ng Spanish occupation, na naging daan sa pagsilang at pagbabago ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa pagiging isang arkipelago na may 7,641 pulo.

Isinasaad na ang 300-taong pananakop ng mga Kastila sa bansa ay nakaimpluwensiya sa “culture, religious landscape, education, genealogy, political system, economy, and global presence” ng mga Pinoy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.