Boston niyanig ng 70 pagsabog

Balita - - Balita -

ANDOVER, Mass. (Reuters) – Dosedosenang pagsabog na bunga ng pagkasira ng natural gas pipeline ang yumanig sa tatlong komunidad malapit sa Boston nitong Huwebes, na ikinamatay ng isang tao at ikinasugat ng 12 iba pa, at nagbunsod ng paglikas ng daan-daan, sinabi ng mga lokal na opisyal.

Patuloy na nilalabanan ng mga bombero ang mga sunog sa Lawrence, Andover at North Andover, may 40 kilometro sa hilaga ng kabisera ng Massachusetts. Nagdilim ang mga kalye nang putulin ng utility crews ang elektrisidad at pinatay ang gas service sa lugar para maiwasang masilaban ang marami pang pagsabog.

Naghihinala ang fire investigators na “overpressurization of a gas main” ang nagbunsod ng serye ng mga pagsabog at sunog, sinabi ni Andover Fire Chief Michael Mansfield sa news conference.

Sinabi ng Massachusetts State Police na kabuuang 70 sunog, pagsabog o imbestigasyon ng gas odor ang iniulat. May 50 fire departments ang rumesponde sa emergency.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.