Huling paalam kay Kofi Annan

Balita - - Balita -

ACRA (AFP) – Inihatid ng world dignitaries sa kanyang huling hantungan si dating UN secretary general Kofi Annan sa Ghana nitong Huwebes, at nanawagan panatilihing buhay ang pamana ng “stubborn optimist” para makalikha ng mas maayos at mas mapayapang mundo.

Pinangunahan ng kanyang biyuda na si Nane Maria ang daan-daang nagluluksa, kabilang ang mga nakalipas at kasalukuyang lider ng mundo, traditional rulers at global royalty sa libing sa kabisera, ang Accra.

Pinamunun ni Annan ang UN mula 1997 hanggang 2006 at naging unang hepe nito mula sa sub-Saharan Africa. Ginawaran siya ng Nobel Peace Prize noong 2001. Pumanaw siya noong Agosto 18 sa edad na 80 sa kanyang bahay sa Switzerland matapos ang matagal na karamdaman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.