Mga sinalantang lugar, bibisitahin ni Digong

Balita - - Balita - Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Tiyak umanong mauunang bumisita si Pangulong Duterte sa mga sinalantang lugar ng bagyong ‘Ompong’ kapag bumuti na ang panahon.

Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa command conference ng mga miyembro ng Gabinete sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Quezon City.

Ayon kay Roque, nananatili sa Maynila ang Pangulo habang patuloy na nagbabantay sa updates tungkol sa bagyo.

“I’m not sure where he is exactly right now. But he’s in Manila. He did not leave and is monitoring,” sinabi ni Roque kahapon ng umaga. “But knowing him, he will be the first to go to the affected area as soon as the weather allows his chopper to take off.”

Nitong Huwebes, pinangunahan ni Duterte ang command conference sa NDRRMC office upang masiguro ang paghahanda ng pamahalaan sa pagpasok ng Ompong sa bansa. Ipinag-utos din niya sa kanyang mga Gabinete na magtungo sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

“The Ilocanos in the Cabinet were tasked to go to their respective home provinces,” ani Roque, tinukoy sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Transportation Secretary Arthur Tugade, na inutusang magpunta sa Isabela at Cagayan—kung saan nag-landfall ang bagyo kahapon ng madaling araw.

“The presence of the alter egos of the President, I think, has been beneficial dahil (because) everyone, as far as the line agencies of the government, are directly reporting to them now,” sabi ni Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.