Sekyu naguhuan ng pader, dedo

Balita - - Pangunahing pahina - Orly L. Barcala

Patay ang isang security guard makaraang madaganan ng pader na gumuho dahil sa walang patid na buhos ng ulan, na dulot ng bagyong ‘Ompong’, sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Cristeta Porras, 58, ng Barangay 102, 9th Avenue, ng nasabing lungsod, na nasugatan sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.

Sa report, nasa guard house ang biktima sa binabantayang bakanteng lote sa Galino Street sa Bgy. 102 sa 9th Avenue, dakong 1:00 ng umaga nang biglang gumuho ang pader na katabi ng guard house.

Nabagsakan si Porras ng gumuhong pader, at patay na nang makuha mula sa ilalim ng guho.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.