Lima nasawi sa bagyo—NDRRMC

Balita - - Balita - Aaron B. Recuenco

Limang katao, kabilang ang dalawang rescuer sa Cordillera, ang napaulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Ompong’.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator Ricardo Jalad na dalawang rescuer ang nasawi sa 51 incident report sa Cordillera.

“Dito sa Cordillera, as of now, meron nang 51 incidents and reporter na nangyari ‘yun, 42 dun ay landslides,” ani Jalad.

“Confirmed na dalawa ang patay dun, parehong mga responders na tumugon sa pagliligtas sa mga naapektuhan,” dagdag ni Jalad.

Kinumpirma naman ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng tatlong iba pa: dalawa sa landslide sa Baguio City at isang nalunod sa Pasig City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.