3 Pinoy sa Libya, makauuwi na

DALAWANG BUWAN MATAPOS KIDNAPIN

Balita - - Balita - Ni ARIEL FERNANDEZ

Makalalaya na ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) technicians, na dinukot ng mga rebelde sa isang planta ng tubig sa South Eastern Libya nitong Hulyo 2018, pagsisiwalat ni Presidential adviser on overseas Filipino workers and Muslim concerns Abdullah Mamao.

Kadarating lang ni Mamao sa Pilipinas matapos na makipagpulong sa mga opisyal ng Libya.

Aniya, anumang araw simula ngayon ay tatawag ang Libya government para sa pagpapalaya sa tatlong Pinoy.

Kaugnay nito, hindi na idinetalye ni Mamao ang buong negosasyon ngunit tiniyak umano sa kanya ng Libya officials na nasa magandang kalagayan ang tatlong Pinoy, kasama ang iba pang hostage na dayuhan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.