Photos at videos sa FB, sasalain na rin

Balita - - Balita -

NEW YORK (AP) — Dadaan na rin sa fact-checking ang mga larawan at videos na ipinopost sa Facebook, bilang pagpapalawig ng programa laban sa pagpapakalat ng mga fake news.

Unang bahagi pa lamang ng taon, sinimulan na ng kumpanya ang trial para sa fact-checking ng mga larawan at videos na ang-umpisa sa France. Ngayon, nakatakda na umanong ipadala ng Facebook ang 27 third-party fact-checkers upang magsala.

Ang mga mapapatunayang fake ay lalagyan ng label bilang tanda na mali o walang katotohanan ang larawan o video.

Ayon sa Facebook, gumagamit ang mga fact-checkers ng visual verification techniques tulad ng ‘reverse image searching’ at ‘analyzing image metadata’ upang matiyak ang katapatan ng bawat larawan at video.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.