EU Higher Education Fair sa Oktubre

Balita - - Balita - Ina Hernando-Malipot

Magkakaroon uli ng pagkakataon ng mga Pilipinong estudyante at iba pa na interesadong mag-aral sa Europe, na malaman kung ano ang maaaring ialok ng mga kilalang unibersidad sa pagbubukas ng 2018 European Higher Education Fair (EHEF) Philippines sa Oktubre.

Inorganisa ng Delegation of the European Union to the Philippines, katuwang ang EU Member States’ Embassies and Campus France, Instituto Cervantes, Philippine-Italian Association, Goethe Institut, at sa pakikipagtulungan ng Commission on Higher Education (CHED), ang EHEF ay magbubukas sa Shangri-La Plaza sa Oktubre 10. Tatampukan ito ng mga unibersidad at Higher Education Institutions (HEIs) mula sa Europe.

Sa pamamagitan ng EHEF, layunisn ng European Union na magkaloob ng oportunidad sa pagbibigay nito ng pagkakataon sa mga Pilipinong estudyante na dagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng post-graduate studies. Ang tema ngayong taon, “Sustaining Innovation and Excellence,” ay nagpapakilala sa EU bilang sentro ng kahusayan at magandang kalidad ng higher education.

Para kay EU Ambassador Franz Jessen, ang nasabing fair ay magsisilbing pundasyon ng EU para mag-alok ng “old and excellent teaching and cutting–edge, innovative higher education.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.