Global TB battle, napagkasunduan

Balita - - Balita -

Nagkasundo ang mga miyembrong bansa ng UN para sa pandaigdigang plano upang labanan ang sakit na tuberculosis, ang sinasabing ‘world’s number one killer’ sa lahat ng mga nakahahawang sakit.

Ilang linggo matapos ang maghigpit na negosasyon, pormal nang inaprubahan at idaraos ang first-ever TB summit sa Setyembre 26, kasabay ng UN General Assembly meeting sa New York.

Sa 53-point final declaration, nangako ang mga pinuno ng mundo na wakasan ang tuberculosis epidemic sa taong 2030.

Tinatayang umabot sa 1.7 milyong katao ang namatay sa TB noong 2016, mula sa 10.4 milyong kaso sa buong mundo, kung saan pinakamarami ang naitala sa mga bansa ng India, Indonesia, China, Pakistan, at Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.