5 patay sa bagyong ‘Florence’

Balita - - Balita -

WILMINGTON, N.C. (AP) — Taglay ang lakas na hangin na 90 mph (155 kph), winasak ng bagyong Florence ang mga gusali, naipit ang daan-daang katao at nilubog sa baha ang buong komunidad sa Carolina coast, nitong Biyernes. Nasa limang katao naman ang nasawi.

Nagbabala ang mga forecasters ng pag-ulan na aabot sa 1 hanggang 3½ talampakan (30 sentimetro hanggang 1 metro) sa paggalaw ng bagyo sa North at South Carolina na maaaring magpalala sa baha sa mga susunod na araw.

Ilang puno na rin ang tumumba, ilang kalsada ang nasira, kasabay ng bakbakan sa Carolinas na inaasahang matatapos sa weekend. Dahil din sa bagyo, nawalan ng linya ng kuryente ang mahigit 890,000 bahay at negosyo, ayon sa poweroutage.us.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.