Durugista dinakma sa waiting shed

Balita - - Balita - Orly L. Barcala

Hindi nagpatinag sa bagyo ang tatlong lalaki na nahuli sa aktong nagpa-pot session sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Insp. Donaldo Britana, head ng Police Community Precinct (PCP) 5, ang mga nadakip na sina Alwyn Reyes, 20; Aldrin Holasca, 20; at Peter Paul Infante, 19, pawang ng Espiritu Street, Barangay Mabolo ng nasabing lungsod.

Ayon kay Britana, nagsagawa sila ng police operation bilang bahagi ng pag-alerto laban sa bagyong "Ompong", dakong 1:00 ng madaling araw.

Pagsapit sa panulukan ng M.H. Del Pilar at Espiritu St., Bgy. Mabolo, napansin ng awtoridad ang tatlong lalaki na tumitira ng umano’y marijuana habang malakas ang ulan at nakasilong sa waiting shed.

Dahil dito, agad na inaresto ng grupo ni Britana ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana at pawang kinasuhan ng paglaba sa Sec. 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.