6 sa pamilya, patay sa sunog

Balita - - Pangunahing pahina - Fer Taboy at Jun Fabon

Sa kabila ng pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong "Ompong", sumiklab ang apoy sa isang tindahan na ikinamatay ng anim na katao sa Barangay Novaliches Proper, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report na tinanggap ng Camp Crame mula kay Quezon City Police Office (QCPO) director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., naganap ang sunog sa bahagi ng Ride N Shop sa Novaliches, dakong 12:24 ng madaling araw.

Kabilang sa mga biktima ang mag-asawang Kamal at Norjannah Japar Direpusun; tatlong nilang anak na sina Abdul Raman, 5; Salma, 7; at Abdulrahem; at 9-anyos na hindi tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Quezon City Police Office (QCPO) Station 4 chief Police Supt. Rossel Cejas, natutulog ang mga biktima nang sumiklab ang apoy sa tinutuluyan nilang tindahan.

Umabot sa ikatlong alarma ang apoy at tumagal ng dalawang oras bago idineklarang under control, dakong 2:35 ng madaling araw.

Habang isinusulat ito, kawad ng kuryente ang sinisilip na sanhi ng sunog habang patuloy na inaalam ang kabuuang halaga ng naabo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.