Bata lumutang sa Marikina River

Balita - - Balita - Mary Ann Santiago

Palutang-lutang ang bangkay ng isang batang babae nang masilayan sa Marikina River sa Barangay Maybunga, Pasig City, kahapon ng umaga.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima, na tinatayang nasa siyam hanggang 12 taong gulang, nakasuot ng puting T-shirt at maong na shorts.

Sa ulat ng Pasig City police, nasilayan ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa Marikina river, malapit sa Javier Bridge, West bank Floodway, sa Bgy. Maybunga, bandang 8:00 ng umaga.

Una rito, sakay umano sa fireboat ang mga tauhan ng Pasig City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), sa pangunguna ni Sergio Serrano, Jr., 45, nang makita ang bangkay ng biktima.

Ayon sa awtoridad, matagal nang patay ang biktima dahil namamaga na ang katawan nito nang matagpuan.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.