Lolo 'inatake', sumalpok

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Patay ang isang matandang motorista nang atakehin umano sa puso habang nagmamaneho kaya sumalpok ang kanyang sasakyan sa konkretong signage sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hininga sa ospital si Joel Asuncion y Toribio, 68, ng Amagong Street, Mutual Homes, Muntinlupa City, dakong 10:27 ng gabi.

Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang aksidente sa panulukan ng Elizalde Avenue at Batac Sevilliano, Barangay BF Homes sa nasabing lungsod, dakong 9:38 ng gabi.

Minamaneho ni Asuncion ang kanyang Mitsubishi Montero Sports (PII699) at pagsapit sa lugar ay hinihinalang inatake sa puso ang biktima hanggang sa bumangga ang kanang bahagi ng sasakyan sa concrete signage.

Mabilis na rumesponde ang Parañaque Rescue Team at isinugod sa ospital ang biktima, ngunit huli na ang lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.