109 ordinance violators sa SPD

Balita - - Balita - Bella Gamotea

Umabot sa 109 na katao ang dinampot ng awtoridad dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa loob ng magdamag, iniulat ng Southern Police District (SPD).

Sa ulat na ipinarating ni SPD acting director, Senior Supt. Eliseo Cruz, nagpatupad ng implementasyon ng mga ordinansa ang awtoridad sa Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig City at Pateros, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa hanggang 5:00 ng madaling araw kahapon.

Sa naturang bilang, 11 indibiduwal ang nahuling nag-iinuman; 34 ang naninigarilyo; tatlo ang nakahubad baro sa pampublikong lugar; 60 ang lumabag sa curfew; at isa ang umihi sa bangketa.

Nabatid na 33 sa ordinance violators ang pinagmulta; 70 ang pinagsabihan o binigyan ng warning; at anim naman ang kinasuhan.

Ayon sa ulat ng SPD, nasa 32 katao na lumabag sa ordinansa ang nananatiling nakadetine sa Pasay City Police.

Samantala, wala naitalang paglabag sa mga ordinansa sa Taguig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.