Davao cop naaktuhan sa pagtutulak

Balita - - Pangunahing pahina - Ni YAS D. OCAMPO

DAVAO CITY – Arestado ang isang bagitong pulis nang maaktuhan umanong nagbebenta ng ilegal na droga sa Davao City, nitong Biyernes ng umaga.

Hindi na nakapalag si PO1 Quiruben Cris John Ferido, 30, ng Mangkilam, Tagum City, nang posasan siya ng mga tauhan ng Talomo Police Station, na binentahan nito ng umano’y shabu sa isang operasyon.

Nasamsam sa suspek ang isang pakete ng umano’y shabu at P3,000 marked money.

Ayon sa Talomo police headquarters, dismayado sila sa kinahinatnan ng kanilang tauhan.

Nakatakdang ipatapon si Ferido sa Regional Police Holding Personnel Office (RPHAO) ng Police Regional Office (PRO) 11.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.