Sundalo utas sa sagupaan

Balita - - Balita - Marie Tonette Grace Marticio

MATUGUINAO, Samar – Patay ang isang sundalo nang makasagupa ng tropa nito ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Mahayag, Matuguinao, Samar, nitong Biyernes.

Kinilala ni Division Public Affairs officer, Capt. Francisco Agno, ang nasawi na si Sgt. Daniel Silagan, taga-Catbalogan, Samar.

Si Silagan ay napatay nang magkaroon ng 20 minutong sagupaan sa pagitan ng grupo nitong 63rd Infantry Battalion (IB) at 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nasabing lugar.

Ayon kay Agno, umatras lamang ang mga rebelde nang makaposisyon ang tropa ng pamahalaan ngunit, napuruhan sa labanan si Silagan.

"We are still conducting a pursuit operation, so far we have not received any other reports of injured troops and the number of casualties on the enemy side," sabi pa ni Agno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.