Ex-Palawan mayor, umapela sa malversation

Balita - - Balita - Czarina Nicole O. Ong

Hiniling ni dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn sa Sandiganbayan na pag-aralan muli ang isinampa nitong motion to quash kaugnay ng kahilingan nito na maibasura ang kinakaharap na kasong malversation of public property.

Si Hagedorn ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 217 ng Revised Penal Code, dahil sa pagkabigong i-account ang aabot sa 14 na baril noong alkalde pa ito ng lungsod noong 2013.

Sa kanyang mosyon, tinututulan nito ang inilabas na ruling ng 3rd Division ng antigraft court nitong Agosto 31, na nag-uutos na ituloy ang paglilitis sa kanyang kaso.

Giit ni Hagedorn, hindi dapat "isasara ng hukuman ang mata nito sa mga detalye ng kaso" at kinakailangan pa rin itong makita ng prosekusyon kahit na nakapagharap na ito ng "mahinang" ebidensiya.

Aniya, naisuko na nito ang mga tinukoy na baril bago pa man maisampa ang kaso laban sa kanya.

"The accused, in good faith, took the responsibility upon himself, to track down the whereabouts of the firearms and obtaining the same, made arrangements to secure and surrender the said firearms to the proper government authorities," ayon pa sa mosyon ni Hagedorn na iniharap ng kanyang mga abugado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.