Lumaban sa drug ops, tigok

Balita - - Balita - Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Bumulagta ang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Barangay Binauganan, Tarlac City, kamakailan.

Pinangunahan ni Insp. Wilhelmino Alcantara ang buy-bust operation kung saan nakahalata ang suspek na Eugene Torres, nasa hustong gulang, ng Bgy. Maliwalo ng nabanggit na lungsod, at binaril ang isa sa mga umaaresto sa kanya.

Aniya, napilitan ang kanyang grupo na makipagbarilan na ikinasawi ni Torres.

Narekober sa suspek ang dalawang pakete ng umano’y shabu at caliber .38 revolver.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.