2 drug suspect, tiklo

Balita - - Balita - Jonas Reyes

CASTILLEJOS, Zambales – Arestado ang dalawa umanong drug addict sa magkakahiwalay na lugar sa Castillejos, Zambales, nitong Biyernes ng gabi.

Nasa kustodiya ng Castillejos Municipal Police Station sina Allan Kingking, 45; at Teddy Capule, 49, kapwa taga-Balaybay ng naturang bayan.

Ayon kay Chief Insp. Rolando Dellezo ng Castillejos Municipal Police Station, isinagawa nila ang anti-illegal drugs operation laban kina Kingking at Capule sa kasagsagan ng bagyong "Ompong" sa lalawigan.

Nasamsam sa dalawa ang hindi pa batid na halaga ng umano’y shabu.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.