Kelot timbog sa pagbatak

Balita - - Balita - Leandro Alborote

TARLAC CITY - Dinampot ng mga tauhan ng Tarlac City police ang isang lalaki nang maaktuhan umanong humihithit ng ilegal na droga sa loob ng isang kapilya sa Tarlac City, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi na nakapalag ni Avidjel Natividad, nasa hustong gulang, ng Calle Onse, Barangay San Rafael ng naturang lungsod, nang dakpin ng awtoridad habang bumabatak.

Ayon sa awtoridad, nagpunta ang suspek sa palikuran ng Sta. Monica Chapel sa Sta. Monica Heights Subdivision, Bgy. San Rafael, Tarlac City upang bumatak.

Bukod sa droga, nasamsam din sa suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng ilegal na droga at drug paraphernalia.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.