Ariana kay Mac Miller: I’m sorry I couldn’t take your pain away

Balita - - Showbiz - Reuters

SA unang pagkakataon, nitong Biyernes, ay nagsalita na sa publiko si Ariana Grande tungkol sa pagpanaw ng kanyang dating kasintahang si Mac Miller, sa pagpopost sa social media na ang rapper ang “the kindest, sweetest soul with demons he never deserved.”

Natagpuang walang malay si Mac sa kanyang bahay sa Studio City, California, at doon ay idineklara na ring wala nang buhay, sa edad na 26.

Sa mensahe sa kanyang opisyal na Instagram account nitong Biyernes, sinabi ng 25-anyos na singer na “(she) adored” Mac mula nang makilala niya ito nang siya ay 19 taong gulang pa lamang.

“You were my dearest friend. For so long,” post ni Grande sa video ni Mac.

“I’m so sorry I couldn’t fix or take your pain away. I really wanted to. The kindest, sweetest soul with demons he never deserved.

“I’m so mad, I’m so sad I don’t know what to do,” dagdag pa niya.

Iniulat ng celebrity website na TMZ na namatay si Mac dahil umano sa drug overdose. Hindi pa ito makumpirma ng Reuters. Isiniwalat ni Mac, na ang tunay na pangalan ay Malcolm McCormick, ang kanyang paggamit ng droga, partikular ang maling paggamit niya ng prescription cough syrup, sa mga media interview at sa rap lyrics.

Samantala, hindi na inilalantad ng coroner’s office ang sanhi ng pagkamatay ng rapper, dahil hindi pa umano tapos ang imbestigasyon.

Unang nakilala si Mac sa edad na 18 dahil sa kanyang mix tape na K.I.D.S. noong 2010, at ang unang bahagi ng kanyang career ay umikot sa mga party-style songs na may mga videos, mga naging viral.

Makaraan ang kanyang debut noong 2011, ang kanyang Blue Side Park ay inirelease ng isang independent label at ito nanguna sa charts. Kalaunan ay jazz at funk music naman ang pinagkaabalahan ni Mac.

Ariana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.