K-pop label, biglang binawi ang pagsibak sa artists

Balita - - Showbiz - Reuters

SOBRANG pambabatikos ang natanggap ng isang South Korean record label dahil sa pagsibak sa kanilang dalawang K-pop artists na nagdeklara ng kanilang relasyon nitong nakaraang buwan, kaya naman biglang bumaba ang share price ng kumpanya.

Naglabas ang Cube Entertainment Inc. ng pahayag nitong Huwebes na tinanggal na umano sa kumpanya ang female singer na si Hyun Ah, 26, na mula sa grupong Triple H; at si E’Dawn, 24, na mula naman sa 10-member boy band na Pentagon. Ang kanilang rason ay dahil umano sa “broken trust” sa mga naturang artist.

“After a few discussions and thought, we decided to expel the two as we thought it is impossible to rebuild faith with both Hyun Ah and E’Dawn,” saad sa pahayag nitong Huwebes. Hindi na nito ipinaliwanag ang mga rason at hindi nila sinabi na ang sanhi talaga ng pagkakasibak ay dahil sa kanilang relasyon.

Ilang South Korean performer na rin ang nagreklamo nitong mga nakalipas na taon, tungkol sa patakaran ng kanilang mga record labels na tungkol sa kanilang personal na buhay, kabilang ang pagbabawal sa pag-inom ng alak, pakikipagrelasyon at pagsailalim sa plastic surgery.

Kahit na binawi ng Cube kalaunan ang desisyon nito, inihayag naman ng chief executive nitong si Shin Dae-nam nitong Huwebes rin, na ang desisyon ay pinagaaralan pa rin bagamat “damage was already done.”

Lumagpak ang shares nito ng 10.6 percent mula nitong Huwebes habang patuloy naman ang pagpo-post ng mga fans sa social media.

“Can’t wait till your stocks drop faster than my internet speed,” post ni user named jypentertainment sa Instagram profile ng Cube.

Isinapubliko ng couple ang kanilang relasyon sa social media nitong nakaraang buwan, at inaming dalawang taon na silang magkarelasyon. Ito ay kasunod ng pagkalat ng mga usap-usapan sa social media tungkol sa dalawa, na pilit namang itinanggi ng Cube noon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.