John Legend, coach na rin sa ‘The Voice’

Balita - - Showbiz - Associated Press

MAKARAANG makatanggap ng Emmy Award, inihayag ni John Legend na patuloy siyang mapapanood sa telebisyon dahil magiging coach na siya sa The Voice ng NBC.

Nagwagi si John ng Emmy nitong Sabado bilang producer ng Jesus Christ Superstar Live in Concert ng NBC, na naging dahilan para tagurian siyang EGOT — ang term para sa taong nagwagi na ng Emmy, Grammy, Oscar at Tony award, na bihira lamang mangyari.

Ang mga kapwa singers na sina Kelly Clarkson, Adam Levine at Blake Shelton ang makakasama ni John sa The Voice. Nasungkit naman ng show ng ikaapat nitong Emmy para sa kategoryang Outstanding Reality Competition nitong Lunes sa 70th prime-time Emmy Awards ceremony.

Naging nominado rin ang 39-anyos na singer ng All Of Me para sa Best Actor dahil sa kanyang pagganap sa Jesus Christ Superstar.

John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.