Kalansay, palusot sa carpool lane

Balita - - Anunsiyo Klasipikado - UPI

Ibinahagi ng Washington Police ang mga larawan ng tinawag nilang “screative carpool lane cheats”—katulad ng paggamit ng kalansay bilang pasahero.

Sa mga larawan, makikita ang kalansay na pasahero na nakasuot pa ng jacket at baseball cap sa loob ng sasakyan, na nagtangkang dumaan sa carpool lane at makatakas sa mga pulis.

"This driver NB I5 at I405 in Sno County was dying to not get caught with this passenger, there's no bones about it! Another HOV violator stopped by WSP,” tweet ni Trooper H. Axtman, Washington State Patrol's District 7 public information officer.

Bukod sa kalansay, makikita rin sa ibinahaging mga larawan ang unan na nakasuot ng hoodie at may hawak pang tasa at tablet. Ang HOV lane violation ay may katumbas na multang $136 sa Washington.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.