Nag-almusal kasama ang katrabaho, inaresto

Balita - - Anunsiyo Klasipikado - OC

Arestado ang isang lalaki mula sa Egypt na nagtatrabaho bilang receptionist sa Saudi Arabia matapos niyang i-post sa social media ang maikling video niya habang nag-aagahan kasama ang babaeng katrabaho na naka-burqa.

Hinuli ang lalaki, na nakilala lamang sa pangalang “Bahaa” matapos kumalat ang kanyang video na kumakain ng almusal kasama ang kanyang babaeng katrabaho sa Jeddah Hotel.

Labag sa batas ng Saudi Arabia ang nangyari, na nagsasabing “states that workplaces and eateries should have separate spaces for men and women.”

Marami ang bumatikos sa video, na iginiit na bawal sa kultura ng Saudi.

“The government should prosecute those who dare to disrespect Saudi laws and systems, distort the image of our conservative society, and promote moral degradation with the strictest punishment…” pahayag ng isang Twitter user.

Bagamat marami ang bumatikos sa ginawa ng lalaki, ilan naman ang nagkomento na sobra umano ang ginawang pag-aresto sa lalaki.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.