Bully paraglider, ipinaaresto

Balita - - Anunsiyo Klasipikado -

Dalawang taon na umanong tinitiis ng mga residente ng Bexhill-on-Sea sa Britain ang ugali ng isang “evil” paraglider na wala na umanong ginawa kundi mang-insulto ng mga residente sa pamamagitan ng paglipad ng sobrang baba sa ibabaw ng kanilang ulo at pagsigaw ng kung ano-anong kahalayan.

Naglunsad kamakailan ang Sussex Police at Civil Aviation Authority ng joint investigation para sa ikinikilos ng isang “Bexhill Birdman”, na sinasabing isang social nuisance. Dagsa na umano ang mga

reklamong natatanggap ng awtoridad mula sa mga residente hinggil sa umano’y ugali nito.

Matapos ang ilang araw, lumantad ang lalaki na kinilalang si Paul Satchell, karpintero, na mabilis na itinanggi ang bintang sa kanya.

“The same people who made these false allegations against me are the same ones who are picking on me for flying. Maybe they don’t have a life of their own,” pahayag ni Satchell. “They will never stop me because I have done nothing wrong. I’m a free-flying spirit and I live to fly and fly to live.”

Bagamat itinanggi niya ang mga reklamo laban sa kanya, patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis si Satchell.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.