Volcanoes, may bagong pasabog sa HK

Balita - - Anunsiyo Klasipikado -

ANIM na bagong players ang isasabak ng Globe Philippine Volcanoes sa pagsabak sa Round 1 ng Asia Sevens Series sa Hong Kong.

“Our coaching staff have recruited and identified some new talent for 2018. It’s exciting to see the depth of the program, these members will be bringing some new skills, I am sure they will provide that extra spark the Philippines needs,” pahayag ni Jake Letts ng Philippine Rugby.

Idinagdag ni Coach Frano Botica sa koponan sina Donald Canon Colman, isang beteranong player mula sa North Shore Rugby Club sa New Zealand. Ang ina ni Colman ay nagmula sa Tarlac.

Kasama rin si Mark Mapacpac Roberts, nagmulaa ang pamilya sa Marinduque, gayundin si Robert Luceno Fogerty.

Kasama rin sa koponan sina Tim Alonso, at ang magkapatid na

Jerome at Ellis Padillo Rudder, kapwa naglaro sa United Kingdom. Kumpiyansa ang pamunuan ng Volcanoes na makapaglalaro nang mahusay ang koponan sa pagkakadagdag ng anim na bagong players.

Pangungunahan ang Volcanoes nina team captain Christopher Arpon Bird, at Harrison Carceller Blake bilang vice captain. Magbabalik din sina Vincent Amar Young, Timothy Bweheni, Joe Palabay Dawson, at ang speedster na si Ryan Reyes Howe.

Haharapin ng Globe Volcanoes ang Korea sa hapon at Malaysia sa gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.