FCVBA veterans, lumapit sa ‘four-peat’

Balita - - Sports - Ni REY C. LACHICA

HAT YAI, Thailand – Isang panalo para sa minimithing “fourpeat”.

Matikas na nakihamok ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) 60-and-above team para gapiin ang Hat Yai, 72-63, nitong Huwebes para makausad sa 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament sa Prince Songkla University gym.

Sa pangunguna nina dating Grace Christian High School star Danny Ching at ex-PBA player Aries Franco, umarya ang Pinoy squad para sa minimithing kasaysayan sa taunang torneo.

Sinawimpalad naman ang 60 squad na nabigo sa minimithing “threepeat”.

Kumubra ang 5-foot-10 na si Ching sa naiskor na 15 puntos, tampok ang buzzer-beating three para matapyas ang bentahe ng Hat Yai sa 36-35 sa halftime.

Sa second half, nagsimulang uminit ang opensa ng Pinoy at nagawang mahigitan ang karibal, 25-11, para mapalobo ang bentahe sa 60-47.

Nag-ambag si Franco ng 13 puntos, habang tumipa sina Elmer Reyes at Elmer Latonio ng tig-11 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo .

Hataw naman si dating La Salle star Kenneth Yap ng walong puntos at nangako ng mas matikas na performances sa championship match laban sa Pontianac ng Indonesia, nitong Biyernes ng gabi.

“It was a tough loss but I’m still happy our 60s made it to the final,” sambit ni Jimi Lim ng Ironcon Builders, nagtataguyod sa koponan kasama sina Rain or Shine co-team owner Terry Que at Eduard Tio ng Freego.

Umalagwa naman ang 65s squad sa Malaysians.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.