Balita

Vietnam President Quang pumanaw

-

HANOI (Reuters) – Pumanaw kahapon si Vietnam President Tran Dai Quang, isa sa top three leaders ng bansa na seremonyal ang karamihan ng tungkulin, kahapon dahil sa sakit, ipinahayag ng state television and radio.

Namatay si Quang, 61, sa isang military hospital sa Hanoi dahil sa “serious illness despite efforts by domestic and internatio­nal doctors and professors,” iniulat ng Vietnam Television.

Ang Vietnam ay walang paramount ruler at opisyal na pinamumunu­an ng president, prime minister, at Communist Party chief. Ayo sa mga eksperto ang presidency ay largely ceremonial.

Itinalaga si Quang sa papel noong Abril, 2016. Bago nito, nagsilbi siyang Minister of Public Security, isang organisasy­on na may malawak na kapangyari­han at remit na kinabibila­ngan ng intelligen­ce gathering at pagsupil sa mga lokal at banyagang banta sa partdido.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines