Balita

Egyptian, 2 pa, timbog sa buy-bust

- Orly L. Barcala

Tatlong katao, kasama ang isang Egyptian, ang inaresto ng mga pulis sa buy-bust operation sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Sa report kay Northern Police District (NPD) Director Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinilala ang mga suspek na sina Gloria Abdalla, 55; Alfredo Mendoza, 53, electricia­n; at Gamial Abdalla y Mohammad, 64, Egyptian, freelance consultant, pawang taga-Barangay 26, Pasay City.

Kuwento ni Director Lim, dakong 6:30 ng gabi nang nagkasa ng buybust operation ang mga tauhan ng NPD-Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa lugar ng mga suspek.

Isa sa mga pulis ang nagkunwari­ng buyer at kumuha ng plastic sachet ng shabu, na nagkakahal­aga ng P500, mula kina Mendoza at Abdalla.

Matapos iabot ang droga, hinuli na ng mga pulis ang dalawa, na nakumpiska­han pa umano ng dalawa pang plastic sachet ng hinihinala­ng shabu.

Itinuro naman nina Mendoza at Abdalla ang isa pa nilang kasamahan, ang Egyptian na si Mohammad.

Nagkasa rin ng buy-bust laban sa dayuhan at nasamsam umano rito ang P2,000 halaga ng shabu.

Kinasuhan na ang tatlo ng paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines