Balita

Nasa watchlist, nasakote

- Bella Gamotea

Arestado ang isang lalaking kabilang umano sa drugs watchlist ng Taguig City Police, sa buy-bust operation sa lungsod, nitong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa paglabag sa Section 5 ng Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165) si Joseph Licdan y Reyes, alyas “Tony”, 44, ng P. Rosales Street, Barangay Sta. Ana, Pateros.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcemen­t Unit (SDEU), sa pangunguna ni Senior Insp. Jerven Galvez, laban sa suspek sa De Borja Compound, Sta. Ana, dakong 6:45 ng gabi.

Hindi na nagawang pumalag ni Licdan nang posasan siya ng mga pulis matapos umanong bentahan ng P500 halaga ng droga ang poseur buyer.

Nakumpiska umano mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinala­ng shabu at P500 marked money.

Ayon sa imbestigas­yon, kabilang si Licdan sa drugs watchlist ng Pateros Police.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines