Balita

Binata, dedo sa mudslide

- Niño N. Luces

LAGONOY, Camarines Sur - Isang lalaki ang nasawi nang matabunan ng gumuhong lupa sa isang liblib na lugar sa Lagonoy, Camarines Sur, nitong Huwebes ng hapon.

Sinabi ni Lagonoy Municipal Police chief, Senior Insp. Andrew Jacob Alcomendas na nakilala ang nasawi na si Darwin Bermejo, binata, ng Barangay Sipaco, Lagonoy.

Ayon sa kanya, ini-report sa kanila ng barangay kagawad na si

Irene Nuñez ang insidente, dakong 1:00 ng hapon.

Kaagad, aniya, nilang niresponde­han ang lugar kung saan na-rescue nila si Bermejo mula sa makapal na putik sa bahagi ng gumuhong bundok, ngunit patay na ito.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang ginagawa ni Bermejo sa lugar bago ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines