Balita

KC balik-‘Pinas para sa concert ni Shawie

- Nitz Miralles

KABABASA pa lang namin ng post ni KC

Concepcion tungkol sa pagbabalik-‘Pinas niya para sa concert ng inang si Sharon Cuneta nang mag-post si Megastar na dumating na sa bansa ang kanyang panganay.

Unang post ni KC: “Coming home soon to celebrate Mom’s big 4-0 in the industry. I love seeing her on stage, singing her songs, watching her thrive in her element. I love you, @reallyshar­oncuneta.”

Kababasa lang namin sa nasabing post nang i-post ni Sharon sa Instagram ang pagdating ng anak.

“My favorite part of today was being with my kids (KC just arrived from Paris today! Yehey!!! Will see her soon!),” post ni Sharon.

Sinundan pa ito ni Sharon ng isa pang post: “Now if only we could kidnap KC and lock her inside the condo with us... nyehehehe...Hahaha!”

Sinagot naman kaagad ni KC ang post ng ina: “Hi Mother !!!! Are you free tomorrow night for dinner? Wanted to visit you today but Pen said you were sleeping. Hope to see you tomorrow.”

Siguro naman sa ngayon, nagkita na ang mag-ina at nagkakuwen­tuhan. Nakumusta na tiyak ni Sharon kay KC ang boyfriend nitong si Pierre-Emmanuel Plassart.

 ??  ?? KC
KC

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines