Balita

Adamson, kumpiyansa sa duwelo sa UST

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 2:00 n,h. -- Adamson vs UST 4:00 n.h. -- NU vs Ateneo

MAPANATILI ang pamumuno at pagiging nag-iisang unbeaten team sa torneo ang tatangkain ng Adamson University sa pagsalang kontra University of Santo Tomas sa pambungad na laro sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Ikatlong sunod na panalo ang asam ng Falcons habang umangat mula sa kinalalagy­ang 5-way tie sa second spot ang hangad naman ng Tigers sa pagtutuos nila ngayong 2:00 ng hapon.

Kasalo ng UST sa 5-way logjam sa patas na markang 1-1 ang Far Eastern University at University of the Philippine­s, gayundin ang National University at Ateneo, na maghihiwal­ay ng landas sa ikalawang laro ganap na 4:00 ng hapon.

“I guess it’s a bonus for us that in this stage of the competitio­n we’ll be in this kind of position, but it’s still early.We just have to seize the moment but not to enjoy it,not to feel that we’re so unbeatable,” ani Adamson coach Franz Pumaren.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines