Seniors, isang linggong libre sa LRT-2, MRT

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Simula bukas, Oktubre 1, ay maaari nang i-avail ng mga senior citizen ang libreng sakay na ipagkakaloob sa kanila ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2 at Metro Rail Transit (MRT).

Ang libreng sakay ay isang linggong ipagkakaloob ng LRT-2 at MRT, o simula Oktubre 1 hanggang Oktubre 7, sa mga senior citizens, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, ang libreng sakay ay available simula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga, at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi. Libre naman ang sakay ng matatanda sa MRT simula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Upang maka-avail ng libreng sakay, kinakailangan lang ng mga senior citizen na magpakita ng kanilang valid ID mula sa Office for Senior Citizen Affairs (OSCA), o anumang ID na nagpapatunay na sila ay 60 anyos pataas na.

Magtatalaga ang LRT-2 ng piling gate para sa mga senior citizen, habang ang MRT naman ay magbibigay ng libreng magnetic tickets.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.